^

Bansa

Paghabol sa yaman ng Marcoses, pinaigting ng PCGG

-

MANILA, Philippines – Higit pang pinaigting ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) ang paghahabol sa mga nakaw na yaman ng pamilyang Marcos.

Ito ay makaraang mapaulat na isang mataas na opisyal ang umano’y nakikipag-usap ngayon sa PCGG para maudlot ang pagbawi ng pamahalaan sa mga ari-arian ng yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Samantala, sinabi naman ni PCGG prosecuting attorney Catalino Generillo na tuluy-tuloy pa rin ang ka­nilang pangangalap ng mga dagdag na ebidensiya at mga testigo para sa kanilang isinusulong na kaso laban sa mga kumpanya ni Lucio Tan at pamilya nito.

Magugunitang humarap din noong 2007 sa Anti Graft Court si Bongbong Marcos na tumayo naman bilang hostile­ witness ng PCGG at pinatibay na ang mga naturang kumpanya ay sa kanyang ama at ito’y ipinag­katiwala lamang kay Tan. (Angie dela Cruz)

ANGIE

ANTI GRAFT COURT

BONGBONG MARCOS

CATALINO GENERILLO

CRUZ

GOOD GOVERNMENT

HIGIT

LUCIO TAN

PANGULONG FERDINAND MARCOS

PRESIDENTIAL COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with