^

Bansa

Patas na paglilitis sa perjury ni Lozada, malabo - COGEO

-

MANILA, Philippines – Nangangamba ang Con­federation of Government Employees Organizations na hindi makakuha ng patas na paglilitis sa ka­song perjury si Jun Lozada.

Ayon kina COGEO Chair Atty. Jesus Santos at Prof. Arturo de Castro, nga­yon pa lang ay kinakikitaan na ng umano’y pagkiling si Manila Metropolitan Trial Court Judge Jorge Emma­nuel Loredo sa pagdinig sa kaso laban kay Lozada.

Anila, sa ilalim ng rule 5.10 ng Canon 5 ng Code of Judicial Conduct, hindi ma­aaring makitaan ng pa­mu­mulitika ang isang hu­kom.

Kinondena din ng COGEO ang naging kautu­san ni Loredo na ibigay sa Senado ang pangangalaga kay Lozada dahil sa uma­no’y takot na saktan ito ng tauhan ng administrasyong Arroyo.

Malaki ang hinala ng COGEO na maaaring ang personal na interes lang ang iniisip upang magka­roon umano ng promosyon mula sa pagiging hukom at ma­ging mahistrado, kaya ibini­gay si Lozada sa Se­nado.

Pinuna din ng naturang grupo ang pang-iinsulto umano ni Loredo sa private complainant na si Mike Defensor ng tawagin nito na “Railroad man defensor, na walang laruan kundi mga kinakalawang at lumang mga tren.” (Butch Quejada)


BUTCH QUEJADA

CHAIR ATTY

CODE OF JUDICIAL CONDUCT

GOVERNMENT EMPLOYEES ORGANIZATIONS

JESUS SANTOS

JUN LOZADA

LOREDO

LOZADA

MANILA METROPOLITAN TRIAL COURT JUDGE JORGE EMMA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with