^

Bansa

Commercials ng Cabinet officials pinatitigil ng Senado

-

MANILA, Philippines – Iginiit kahapon ni Se­nator Rodolfo Biazon ang pagpapatigil ng mga pag­papalabas ng mga information commercial ng ilang mga Cabinet officials na may ambisyong kumandidato sa halalan sa 2010.

Partikular na pinata­maan ng panawagan ni Biazon sina Defense Sec. Gilbert Teodoro, Finance Secretary Margarito Te­ves, PAGCOR Chairman Afrain Genuino at TESDA Chairman Augusto “Bu­boy” Syjuco.

Sinabi ni Biazon na nararapat lamang na itigil ang mga commercials na ito dahil maliwanag na ito’y maagang panga­ngampanya para sa nala­lapit na halalan.

Naniniwala si Biazon na nagagamit ng mga nasabing opisyal ang pondo ng gobyerno sa kanilang ambisyon na tumakbo sa 2010.

Iginiit ni Biazon na layunin talaga ng mga nasabing opisyal na mai-anunsyo ang kanilang mga programa sa kani­lang mga departamento at mas makilala ng pub­liko.

Ayon kay Biazon, da­pat gumamit na lamang ng commercial models o artista ang mga departa­mentong nais magpala­bas ng mga infomercial.

Nakatakdang mag­hain anumang araw si Biazon ng panukala na magba­bawal sa mga pre-mature campaigning ng mga pu­litiko. (Malou Escudero)


BIAZON

CHAIRMAN AFRAIN GENUINO

CHAIRMAN AUGUSTO

DEFENSE SEC

FINANCE SECRETARY MARGARITO TE

GILBERT TEODORO

IGINIIT

MALOU ESCUDERO

RODOLFO BIAZON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with