^

Bansa

Solon dumipensa sa C5

-

MANILA, Philippines – Dumipensa kahapon ang isang Cavite congressman sa kontrober­syal na C-5 road extension project na aniya’y malaking pakinabang sa mga mo­toristang nagmamadali.

Ayon kay Rep. Elpidio Bargaza, (KAMPI), kahit binabatikos si Sen. Manuel Villar sa isyu, marami ang makikinabang sa proyek­tong ito dahil napapaikli ang oras sa pagbibiyahe mula Cavite patungo sa Maynila.

Inihalimbawa ni Bar­gaza ang kanyang sarili nang sabihing isang oras mahigit ang natitipid niya sa paglalakbay kumpara sa dati niyang ruta sa coastal road sa pagpunta niya sa Batasan sa Que­zon City.

Nilinaw niyang wala siyang pinapanigan sa isyu alang-alang sa tinatawag na parliamentary courtesy. Nagbigay lamang siya ng pahayag alinsunod sa tu­ nay na kapakinabangan sa kontrobersiyal na kalsada. (Butch Quejada)


AYON

BATASAN

BUTCH QUEJADA

CAVITE

DUMIPENSA

ELPIDIO BARGAZA

INIHALIMBAWA

MANUEL VILLAR

MAYNILA

NAGBIGAY

NILINAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with