^

Bansa

P1.1 milyon birthday gift kay Bayani nagmula sa pondo ng MMFF

-

MANILA, Philippines – Ibinunyag kahapon ni Senator Jose “Jinggoy” Estrada na umabot sa P1.1 milyon ang natang­gap na birthday gift ni Metro Manila Development Authority Chairman Bayani Fernando mula sa pondo ng Metro Manila Film Festival na unti-unti na umanong nawawal­das.  

Sa kanyang privilege speech, ibinunyag ni Es­trada na nawa­ waldas ang pondo ng MMFF at dapat mapa­ru­sahan ang mga nag­papasasa rito.   

Ayon kay Estrada, noong July 24, 2003, nakatanggap umano si Fernando ng P500,000 na cash gift para sa ka­arawan nito na ipinagdi­wang noong July 25, 2003. Ang pondo ay ki­nuha umano sa share ng tatlong benepisyaryo ng pondo ng MMFF na kina­bibilangan ng Mo­ wel­fund, Film Academy, at Anti-film piracy council.   

Noon namang July 21, 2005, nakatanggap na naman ng P100,000 cash gift si Fernando para sa kanyang kaarawan.    

Kapuna-puna umano na simula nang hawakan ang pondo ng MMFF ay lumiit na nang lumiit ito na dapat sana ay paki­nabangan ng mga nasa industriya ng peli­kula.   

Hindi rin aniya naipa­pamigay nang tama sa paraang itinakda ng batas ang kita ng MMFF. Iginiit ni Estrada na dapat ang movie industry na ang humawak ng pondo at alisin na ito sa MMDA. (Malou Escudero)

vuukle comment

AYON

FERNANDO

FILM ACADEMY

IBINUNYAG

MALOU ESCUDERO

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

METRO MANILA FILM FESTIVAL

SENATOR JOSE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with