^

Bansa

Meralco bill sa Mayo bababa

-

MANILA, Philippines - Bababa ang singil sa kuryente ngayong buwan ng Mayo base sa ma­babang halaga ng kur­yente mula sa independent power producers (IPP).

Ayon sa Manila Electric Company, malaki ang naibaba sa generation cost ng supplier ng Me­ralco na nagbunsod ng pagbaba ng fuel cost noong Abril.

Sinabi ni Ivanna dela Peña, VP at head of utility economics na bunsod ito ng 59.70-centavo drop in ng generation charge, mula sa P5.0205 per kilowatt-hour noong Abril sa P4.4235 per kwh nga­yong Mayo.

Bunsod nito, ang isang residential client na nagba­bayad ng  hala­gang P733.72 na may konsumong 100 kwh ng kuryente noong Abril ay inaasahan na mababa­wasan ng P57.62 nga­yong buwan.

Sa mga komukunsu­mo naman ng 200-kwh kada buwan ay mababa­wasan ng P165.02.

Bumaba din sa 19.55 centavos ang rate ng National Power Corp. Ang Napocor ay nagsusuplay ng 36.4 percent ng electricity requirement ng Me­ralco. (Angie dela Cruz)

ABRIL

ANG NAPOCOR

ANGIE

AYON

BABABA

BUMABA

BUNSOD

CRUZ

MANILA ELECTRIC COMPANY

NATIONAL POWER CORP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with