AH1N1 nasa Pinas na?

MANILA, Philippines – Tatlo katao na kina­bibilangan ng isang turis­tang dayuhan ang kasalu­kuyang sinusuri sa isang ospital sa Cebu para matu­koy kung nahawahan sila ng Influenza A(H1N1) na da­ting kilala bilang swine flu virus.

Hindi binanggit kaha­pon ng Department of Health ang pangalan ng tatlo pero isa rito ay dayu­hang babae na nagmula sa Mexico. 

Ayon kay Dr. Susan Madarita, director ng DOH-Central Visayas, nagpati­ngin kamakalawa sa Vi­cente Sotto Memorial Me­dical Center ang turistang babaeng dayuhan. Hindi sinabi kung ano ang nationality nito.

Sinabi ng dayuhan na nangangamba siya na meron na siyang A(H1N1) dahil nagkaroon siya ng ubo at trangkaso pagda­ting niya sa Pilipinas mula sa Mexico.

Ang Mexico ang napa­ulat na unang bansang sinalanta ng A(H1N1) influenza na nakamatay na ng maraming mamamayan doon at ikinasakit ng iba pa.

Sinabi ni Madarieta na kanila nang ipinasuri sa Research Institute for Tropical Medicine sa Manila ang mouth swab sam­ple ng dayuhan.

Nakakuwarantina na sa naturang ospital ang tatlong pasyente.

Nilinaw naman ng hepe ng National Epidemiology Center na si Dr. Eric Tayag na hindi pa maituturing na merong A(H1N1) infection ang dayuhang babae. Isa pa lang anya itong kaso na iniimbestigahan.

Kasabay nito, pinala­bas na sa Ninoy Aquino International Airport ang anim na pasahero na na­unang pinigilan dahil nila­lagnat sila. Napatunayang wala silang A(H1N1) virus.

Samantala, tatlong Pili­pino ang napabilang sa mahigit 200 bisitang ipi­nailalim sa pitong araw na quarantine sa Hong Kong makaraang isa sa kanila na isang Mexican tourist ay napatunayang positibo sa A (H1N1) virus.

Unang nagpositbo sa A(H1N1) sa Hong Kong ang isang 25 anyos na lalakeng Mehikano.

Kasama sa nakuwa­ran­tina ang isang Pilipina, asawa nitong Australian at kanilang anak at isa pang Pilipina mula sa Cebu.

Sinabi naman ng Consulate officials na nasa mabuting kalusugan ang mga Pilipino.


Show comments