^

Bansa

Dagdag proteksiyon sa OFW hingi

-

MANILA, Philippines – Hiniling ni Metro Manila Development Authority Chairman Bayani Fer­nando na dagdagan ang legal requirements sa deployment ng overseas Filipino workers para sa kanilang kaligtasan at proteksiyon.

Iminungkahi rin ni Fernando ang paglikha ng multi-agency task force na tutugon sa mga problema ng mga land-based at sea-based OFW at para ma­laman din ng kanilang pamilya ang tulong na ginagawa para sa kanila.

Inihalimbawa niya ang naging problema ng ma­higit 100 Pilipinong seamen na binihag ng mga pirata sa Somalia. Sinabi niya na walang magkaka­samang ginawa ang ilang ahensiya ng pamahalaan upang matiyak ang kalig­tasan at kalayaan ng mga seaman.

“Oo nga at kumilos nila upang ihanap ng solusyon ang problema ngunit ginawa nila ito nang utay-utay,” ani Fernando. “Kaya nagpupunta na sa media ang kanilang pamilya para humingi ng tulong.”

Sinabi rin ni Fernando na maraming land-based OFWs ang may problema sa kanilang foreign employer at kinalimutan ang importanteng legal requisites tulad ng pagkuha ng working visa at pagpapa­rehistro sa Overseas Worker’s Welfare Administration at pagtatanong sa Philippine Overseas Employment Administration kung ang recruitment agency na kanilang ina­playan ay lisensiyado o hindi.

FERNANDO

HINILING

IMINUNGKAHI

INIHALIMBAWA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY CHAIRMAN BAYANI FER

OVERSEAS WORKER

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

SHY

SINABI

WELFARE ADMINISTRATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with