MANILA, Philippines - Dapat umanong imbestigahan at kastiguhin ni Land Transportation Office Chief Arturo Lomibao ang ilan sa kanyang mga alipores dahil sa umano’y pananakot sa mga drug testing centers, insurance companies, PETCs, IT service providers na patatagalin ang renewal ng authorization ng mga ito o di kaya ay sususpindihin pa kung hindi umano sila makikipagmabutihan sa mga ito.
Sa mga nasuspinding PETC naman, kanila umano itong pinangangakuan na mapapadali ang pag-lift ng suspension order kung sila ay magbibigay ng kaukulang pondo.
Ayon sa mga lehitimong negosyante sa LTO, ginagawa na umanong “gatasan” ang LTO para raw sa pagtakbo ni Lomibao bilang congressman sa nalalapit na 2010 elections.
Nananawagan ang mga negosyante kay Lomibao na siyasatin ang naturang sumbong upang di makasira sa kanyang pangalan at sa LTO.
Ang LTO ay dating top 3 sa pinaka-corrupt na ahensiya ng pamahalaan, ngunit ngayon ay pang-18 na lamang ito.