MANILA, Philippines – Pansamantalang cease fire ang ipatutupad ng Armed Forces of the Philippines sa mga Army camps nito sa buong bansa para mapanood ang Pacquiao-Hatton fight ngayong umaga maliban na lamang sa mga nakadeploy sa combat zones o may isinasa gawang operasyon laban sa mga banta sa seguridad tulad ng Abu Sayyaf, NPA at MILF rebels.
Pero binigyang diin ni incoming AFP-Public Information Office Chief Lt. Col. Romeo Brawner na bagaman manonood ng Pacman-Hatton boxing match ang mga sundalo sa loob ng kampo ay nanatili silang nakaalerto at ang pambansang seguridad ang nanatili nilang prayoridad.
Si Pacman ay isang reserved Army reservist at ayon kay Brawner ay buo ang pagsuporta rito ng buong AFP at inspirado ang mga nasa combat mission sa kanilang idolo. (Joy Cantos)