Sangkot sa P500-milyong 'noodle scam' kastiguhin - Roxas

MANILA, Philippines - “Isusubo na lang nina­nakaw pa!” Ito ang galit na reaksyon ni Senador Mar Roxas sa pagdinig ng Se­na­ do sa P500 milyong ano­malya sa noodles na ipina­kakain sa mga estud­yante sa school feeding program ng Department of Education.

Lumilitaw sa imbesti­gasyon na nagkaroon ng overpricing bukod sa wa­lang dagdag na sustan­sya sa biniling mga imported na noodles sa na­sabing pro­grama.

Sinabi ni Roxas na da­pat pananagutin ang mga sangkot sa programa ma­karaang humarap sa ko­mite ang isang negos­yanteng si Prudencio Quido Jr. na nagbunyag sa kahina-hina­lang bidding para sa mga noodles. Nanalo sa bidding ang JEVERPS Manufacturing Corp. para siyang mag­su­play ng fortified noodles with fresh eggs noong 2007 at 2008. 

May 15 milyong pakete ng noodles ang binili sa ilalim ng naturang progra­ma pero, ayon kay Quido, nalugi umano ang gob­yerno ng mahigit kumulang P170 milyong piso sa kontrata sa JEVERPS noong 2007 at P251 mil­yon noong 2008.

Doble umano ng pres­yo ng karaniwang noodles ang binili ng pamahalaan sa JEVERPS.

Kung ang noodles sa merkado ay P4.50 kada 55g pakete, ang nabili ng gob­yerno mula sa JEVERPS noong 2007 ay P18.00 kada 100-g pakete ng noodles na may “fresh egg” at noong 2009 naman ay P22.00 kada 100-g pakete ng noodles na may “fresh eggs and malung­gay.”

Pero ang “fortified noo­dles with fresh egg noong 2007 ay wala na­man daw kasamang “fresh egg” kundi “powdered egg” lamang ayon sa pagsusuri ng isang laboratoryo sa Vietnam.

Sa kaso naman ng noo­ dles na may “fresh egg and malunggay” noong 2009, sinabi ni Science and Technology Sec. Es­trella Alabas­tro na wala pang sapat na suplay ng malunggay para sa pro­duksyon ng ganito kara­ming noodles. Dagdag pa rito ang sinabi ng Food and Nutrition Research Institute na nasa “process of study research and development” pa lang ang ga­noong klaseng noodles na may malunggay. (Malou Escudero)

Show comments