Warrant of arrest vs Lozada inilabas na
MANILA, Philippines – Inilabas na ng Manila Metropolitan Trial Court (MTC) ang warrant of arrest laban kay NBN- ZTE star witness Rodolfo “Jun” Lozada Jr. kaugnay sa perjury case na inihain laban sa kaniya ni dating Presidential Chief of Staff Michael Defensor.
Kahapon ay nilagdaan ni Judge Jorge Emmanuel Lorredo, ng Manila MTC Branch 26, ang naturang warrant of arrest laban kay Lozada gayunman hindi pa ito naisisilbi sa huli.
Inaasahan namang anumang oras ay isisilbi na ng mga law enforcers ang naturang warrant of arrest laban kay Lozada.
Nilagdaan ni Lorredo ang warrant of arrest kasunod na rin ng kautusan ng Manila Regional Trial Court (RTC).
Una nang dinismis ni Lorredo ang naturang kaso ngunit iniapela ito ni Defensor sa Manila RTC na nagdesisyon naman pabor kay Defensor. (Doris Franche)
- Latest
- Trending