MANILA, Philippines - Siniguro kahapon ng Ma lacañang na mayroong sapat na supply ng tubig kaugnay sa napaulat na water crisis.
Sinabi ni acting Executive Secretary at Press Secretary Cerge Remonde, ginawa ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System at Local Water Utilities Administration ang paniniguro sa nakalipas na Cabinet meeting.
Ayon kay Sec. Remonde, siniguro ng MWSS at LWUA sa Cabinet na gumawa na sila ng mga hakbang upang maiwasan ang water crisis.
“Based on the recent Cabinet meeting we had wherein water was one of the issues tacked, we were assured by MWSS and LWUA that they can manage any water supply problem this summer,” wika pa ni Remonde.
Samantala, pinag-aaralan pa ni Pangulong Arroyo kung sino ang ipapalit kay LWUA Administrator Orlando Hondrade na itinalaga ng Pangulo bilang undersecretary ng Department of Public Works and Highways. (Rudy Andal)