^

Bansa

Panakot ni Ping kay Enrile: Kudeta sa Senado

- Nina Rudy Andal at Butch Quejada -

MANILA, Philippines - Ipinapanakot umano ni Senador Panfilo Lacson kay Senate President Juan Ponce Enrile ang napaba­litang kudeta para sumu­nod ang huli una.

Ito ang ipinahiwatig kahapon ni Senate Minority Leader Sen. Aquilino “Nene” Pimentel Jr. na nagpahayag ng paniniwala na ang mga ugong ng kudeta laban kay Enrile ay nagmumula rin sa hanay ng mayorya ni Lacson upang bigyan ito ng babala na maaari siyang palitan sakaling hindi sumunod sa gusto ng kanilang grupo.

“Palagay ko hindi na­man nila dapat takutin ang Senate President na pa­rang kung hindi sang-ayon sa aming pakay tanggal ka…pag hindi mo kami sinuportahan lagot. Hindi naman siguro tama yun na maging numbers game itong isyu ng Ethics na ito kay Sen. (Manuel) Villar. Ang isyu rito ay kung ano ba ang tama, yun ang dapat na gawin namin,” puna ni Pimentel.

Sinabi pa ni Pimentel na nawawalan na siya ng tiwala at pag-asa na ma­kakakuha ng patas na hus­tisya si Villar na iniimbes­tigahan ng Senate Ethics Committee na pinangu­ngu­luhan ni Lacson dahil sa kontrobersiyal na dou­ble insertion sa budget ng proyekto sa C-5 Road.

Dismayado naman si Pimentel na maging si Enrile ay tila sumuway sa kasunduan ng mga sena­dor na pansamantalang itigil ang bangayan sa imbestigasyon ng Ethics committee kay Villar.

Nauna rito, naging isyu ang ipinalabas na order ng komite na nag-aatas kay Villar na sumagot sa rek­lamo kahit hindi pa nagka­karoon ng kaukulang pag­dinig.

Sinasabi ni Enrile na siya ang pumili kay Lacson at sa mga kasapi ng komite at parang inaamin niyang mali ang kanyang desis­yon kung susundin niya ang hiling ng grupo ni Pimentel na balasahin ang komite.

Ngunit iginiit ni Pimen­tel na ang usapin sa Ethics committee ay hindi paramihan ng miyembro kundi ang pagpapatupad kung ano ang tama at naaayon sa “patakaran” ng komite na hindi sinunod ng grupo ni Lacson.

Inaatasan ng komite si Villar na magpaliwanag sa loob ng limang araw upang sagutin ang order matapos matuklasan ng ethics pa­nel na “sufficient in form and substance” ang rek­lamo ni Sen. Jamy Madrigal laban kay Villar hinggil sa double inserition of fund para sa C-5 road project na nakapaloob sa 2008 national budget.

Iginiit din kahapon ni Sen. Alan Peter Cayetano na imposibleng may ma­ganap na kudeta sa lide­rato ni Enrile gaya ng nais palabasin ni Lacson.

Sinabi ni Cayetano na walang kakayahan ang minority bloc ng Senado para magsagawa ng ku­deta laban sa liderato ni Enrile.

Aniya, nagpapabango lamang si Lacson kay Enrile upang makuha nito ang pagtitiwala at suporta ng huli para manatili siyang pinuno ng komite.

ALAN PETER CAYETANO

ENRILE

JAMY MADRIGAL

KAY

LACSON

PIMENTEL JR.

SENADOR PANFILO LACSON

SENATE ETHICS COMMITTEE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with