^

Bansa

PGMA bibisita sa Egypt at Syria

-

MANILA, Philippines – Nakatakda na na­mang umalis ng bansa si Pangu­long Gloria Arroyo sa Mayo 1 na nataon sa pagdiri­wang ng Labor Day upang magtungo sa Egypt at Syria.

Isang special working visit ang sasadyain ng Pangulo sa Egypt sa Mayo 2 at isang state visit sa Syria sa Mayo 3 at 4.

Nakatakdang dumalo ang Pangulo sa one-on-one meeting kay President Hosni Mubarak ng Egypt at makikipag-usap din ito sa Filipino community sa nasabing bansa at maging sa mga Egyptian businessmen na posib­leng mag­lagay ng negos­yo sa Pili­pinas. Mula sa Cairo, ang Pangulo ay pupunta sa Damascus sa Syria para sa isang state visit dahil na rin sa imbitasyon ng Syrian government.

Ayon sa Malacañang, ang Syria at Egypt ang dalawa sa pinaka-maim­pluwensiyang bansa sa Organization of Islamic Conference (OIC) at ng Arab League. Sa katuna­yan umano, ang headquarters at leadership ng OIC ay nakatayo sa mga nasa­bing bansa.

Ang Egypt umano ay ikinokonsiderang isa sa mga “most effective” at “efficient peace brokers” sa Islamic world.

Ipinunto ni Remonde na ang pagbisita rin ng Pangulo sa nasabing bansa ay pagpapakita na importante sa Pangulo ang paghahanap ng ka­pa­yapaan sa Mindanao. (Malou Escudero)


ANG EGYPT

ARAB LEAGUE

AYON

GLORIA ARROYO

LABOR DAY

MALOU ESCUDERO

ORGANIZATION OF ISLAMIC CONFERENCE

PANGULO

PRESIDENT HOSNI MUBARAK

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with