Mayaman, mahirap nagsu-suicide

MANILA, Philippines - Walang mahirap o ma­yaman kung nais ng isang tao na mag-suicide. Ito ang pahayag ni Leyte Archbishop Jose Palma bunsod na rin ng mga alegasyon sa trahedya sa pamilya ni ABS-CBN anchorman Ted Failon kung saan nagbaril sa sarili ang misis nitong si Trinidad Etong.

Ayon kay Palma, ma­rami rin namang mahihirap ang nagsusuicide bunsod ng kahirapan subalit sa kaso ni Etong, nagpaka­matay ito sa kabila ng ka­ginhawaan sa buhay.

Aniya, walang oras na pinipili ang pagsubok kung kaya’t dapat lamang na matatag ang ating panini­wala sa Diyos. Ito rin anya ang sukatan ng pananam­palataya dahil maging ang ibang mayayamang bansa ay mataas ang bilang ng mga nagpapakamatay.

Hindi rin umano dapat na mawala ang komuni­kasyon ng bawat miyem­bro ng pamilya kung saan malaki ang kontribusyon upang mapanatiling nag­kakaisa. (Doris Franche)

Show comments