^

Bansa

65 batang may bingot naoperahan ng libre

-

MANILA, Philippines – May 65 maralitang bata na may bingot sa lungsod ng Caloocan ang naoperahan ng libre ng isang grupo ng mga banyagang duktor mula sa Australia at New Zealand sa ilalim ng Operation Restore Hope.

Ayon kay Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri, ang mga naturang duktor ay sinamahan ng 10 volunteer surgeons at anesthesiologists mula sa Manila Central University Hospital at President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center (PDMMMC).

Sinabi pa ni Echiverri na isinagawa ang “life-changing­” na operasyon sa makabagong operating room ng PDMMMC. Bukod sa libreng hospitalisasyon, sinagot din ng lokal na pamahalaan ang mga antibiotics at gamot na kakailanganin ng mga pasyente.

Ayon naman kay City Health Officer at kasalukuyang PDMMMC Director Dr. Raquel So-Sayo, labis na ikina­tuwa ng mga pasyente, pati na rin ng kanilang pamilya ang libreng operasyon dahil bukod sa inalis nito ang mga marka ng pagkakaroon ng bingot, ibinalik din nito ang kakayahan ng mga pasyente na magsalita ng normal.


AYON

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

CITY HEALTH OFFICER

DR. RAQUEL SO-SAYO

ECHIVERRI

MANILA CENTRAL UNIVERSITY HOSPITAL

NEW ZEALAND

OPERATION RESTORE HOPE

PRESIDENT DIOSDADO MACAPAGAL MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with