^

Bansa

PAO todo suporta kay Acosta

-

MANILA, Philippines – Ipinarating ng mga opisyal, abogado at staff ng Public Attorney’s Office (PAO) kay Pangulong Arroyo ang kanilang pagpa­pahayag at pagdedeklara ng suporta kay Chief Public­ Attorney Persida Rueda-Acosta.

Kalakip ng kanilang liham ang tatlong pahinang ‘manifestation and declaration of support’ kay Chief Acosta, na nilagdaan ng lahat Regional Director at opisyal nito.

Ayon sa mga opisyal ng naturang ahensiya, simula pa ng matalaga noong 2001 si Chief Acosta, ay patuloy umano ang pagganap nito sa kanyang tungkulin bilang Pinuno ng PAO.

Pinasalamatan din nila ang Pangulong Arroyo sa pag-apruba ng Republic Act No. 9406 o PAO Law na kanyang nilagdaan noong March 23, 2007, kung saan ang naturang batas ay hindi lamang nag­sisilbing lakas ng ahensya kundi maging takbuhan ng mga mahihirap at walang kapangyarihan.

Batay sa manifesto, nakasaad umano sa section 4 ng RA no. 9406, article II ng memorandum circular no. 18, na maaring pagkalooban ng PAO ng tinatawag na “instant and provisional assistance” ang mga suspek na isinasailalim sa “custodial interrogation/investigation.

Nakasaad din umano sa Section 2 ng naturang batas (An Act Reorganizing and Strengthening the Public Attorney’s Office) ang pagiging ‘independent and autonomous ng natu­rang tanggapan subalit attached­ sa Department of Justice pagdating sa policy at program coordination nito.

Giit ng mga ito, tinupad lamang ng kanilang Hepe ang pagganap sa mandato ng PAO, ng pagkalooban ng ‘instant and provisional assistance’ ang brodkaster na si Ted Failon at mga ka­sambahay nito makaraang makatanggap ng tawag sa telepono ang una mula sa DZMM. (Gemma Garcia/Ludy Bermudo)


AN ACT REORGANIZING AND STRENGTHENING THE PUBLIC ATTORNEY

ATTORNEY PERSIDA RUEDA-ACOSTA

CHIEF ACOSTA

CHIEF PUBLIC

DEPARTMENT OF JUSTICE

GEMMA GARCIA

LUDY BERMUDO

PANGULONG ARROYO

PUBLIC ATTORNEY

REGIONAL DIRECTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with