Solon sa katunggali: TRO igalang

MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon si Taguig Representative Henry Duenas sa kanyang katunggali na si Angelito “Jett” Reyes na respetuhin ang temporary restraining order (TRO) na ipinalabas ng Korte Suprema kaug­nay sa election protest ng huli.

Natalo ni Duenas si Reyes, anak ni Energy Sec. Angelo Reyes noong 2007 congressional elections sa Taguig.

Ang panawagan ni Due­nas ay kasunod sa umano’y pag-atake ng nakababatang Reyes sa kanya sa mga pahayagan na kumukwestiyon sa legalidad ng TRO.

Ayon kay Duenas, da­pat lamang na sumunod sa batas si Reyes at tumigil na sa pagpuna sa naging desisyon ng Supreme Court.

Magugunita na nag­hain ng election protest si Reyes laban kay Duenas at hiniling na magsagawa ng recount ng boto sa House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) matapos na matalo ng nagdaang eleksyon.

Nitong Disyembre, 16, 2008, inatasan ng SC ang kampo ni Reyes, kabilang ang kanyang agents at mga kinatawan na i-ob­serba ang “status quo” bago maghain ng kanilang petition.

Inaakusahan umano ni Reyes si Duenas na kaya nakakuha ng TRO ay dahil sa pagiging malapit nito sa ilang mahistrado. (Butch Quejada)

Show comments