MANILA, Philippines - Ipinasususpinde kay Land Transportation Office Chief Arturo Lomibao ng isang Private Emission Test Center ang isang IT service provider ng mabigo itong i-upload ang mga litrato ng mga sasakyan sa LTO-IT system.
Sa rekomendasyon ni Atty. Benjamin Mora, chairman ng PETC-monitoring team, kay Lomibao, dapat parusahan ang Cyberlink Worldwide Network Inc., dahil sa paglabag nito sa memorandum order RIB-2007-83 ng Department of Transportation and Communication ng mabigo ito sa realtime at sa paglalagay ng mga litrato sa internet ng mga sasakyan sa LTO.
Una na rin sinuspinde ng isang buwan ang nasa bing kompanya dahil sa katulad na paglabag.
Layon ng LTO na mabawasan ang katiwalian ng ilang PETC na nagsasagawa ng non-appearance sa smoke emission testing sa tuwing nagpaparehistro na dagdag sa problema sa polusyon.
Pinatawan ngayon ng anim na buwang suspension ang Cyberlink at pinagmumulta ng P70,000. (Angie dela Cruz)