CCTV sa international schools dadagdagan

MANILA, Philippines – Nakatakdang mag­la­gay ng mga Closed Circuit Televisions sa mga international school partikular na sa mga eskuwelahan ng mga Chinese ang National Capital Region Police Office kaugnay ng pag­ bubukas ng klase sa Hunyo.

Ayon kay Chief Supt. Benjardi Mantele, hepe ng Directorial Staff ng NCRPO, layunin nito na mapigilan ang mga kidnapping for ransom gang at maging ang mga elementong kri­minal na makapam­biktima ng mga estud­yante.

Sinabi ni Mantele na ang paggamit ng ma­kabagong teknolohiya ay kabilang sa konsepto ni NCRPO Chief Director P/Chief Supt. Ro­berto “Boysie “ Rosales kaugnay ng anti-criminality campaign.

Nabatid na karani­wan nang nagsasa­man­tala ang mga kidnapper at iba pang ma­sasa­mang ele­ mento sa mga international school upang ma­kabingwit ng mga milyo­naryong poten­syal na bibiktimahin.

Inihayag naman ni Mantele na ang karag­da­gang CCTVs ay ipa­sasagot nila sa mga may-ari ng eskuwela­han at maging ng mga ko­munidad sa kanilang mga hurisdiksyong lu­gar sa Metro Manila. (Joy Cantos)

Show comments