Enrolment sa ABAKADamayan nagsimula na

MANILA, Philippines - Iniimbitahan ng ABAKADamayan ang mga mam­ba­basang nasa edad 20-60 taong gulang na interesadong makapagtapos ng high school at gustong mag­karoon ng diploma na magpatala para sa muling pag­bubukas ng klase ngayong 2009-Batch 7.  

Maaaring magsadya at magparehistro sa tanggapan ng STAR Group of Publications sa Roberto Oca cor. Railroad Sts., Port Area, Manila. Nagsimula ang enrollment noong Abril 16 at 17 at ang susunod ay sa Abril 23-24 at Abril 30, ganap na ala-1 hanggang alas-5 ng hapon.

Magdala ng mga sumusunod: Kopya ng birth certificate­; orihinal na kopya ng barangay certi­ficate at apat na piraso ng 1X1 ID picture.

Ang Abakadamayan ay isang non-formal school na bahagi ng Bureau of Alternative Learning System ng Department­ of Education. Ito ay nasa ikapitong taon na at isa sa mga proyekto ng Ope­ration Damayan, ang social­ arm ng Star Group of Publications – The Philippine Star, Pilipino Star Ngayon, Pang-Masa at Freeman.

Show comments