^

Bansa

Kaso ng ZTE-NBN, di pa tapos - JDV

-

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Jose de Vene­cia III na hindi pa tapos ang kaso ng NBN-ZTE at wa­lang puwang ang anumang mga haka-haka dahil may pagdinig pa tungkol dito.

Bagama’t sinasabi ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel na sa­rado na ang kaso, hindi na­man ito sinang-ayunan ni Se­nator Alan Peter Caye­tano dahil hindi humarap si Ruben Reyes sa Blue Ribbon Committee na sina­sabing “bagman” ni dating Comelec Chairman Benjamin Abalos.

Ang negosasyon ng ZTE-NBN ay tinawag na pinakamalaking panlilin­lang, o “scam” sa paga-apru­ba ng mga kontratang kinasa­sangkutan ng pama­halaan.

Isiniwalat ni de Venecia na may koneksyon ang ilang matataas na opisyal ng pamahalaan para sigu­radong makalusot at ma­aprubahan ang ZTE. Pina­tunayan ito ng mga doku­mentong isinumite niya sa Blue Ribbon committee.

Dahil sa mga pagsisi­walat na ito ni de Venecia, napilitan si Pangulong Gloria Arroyo na ibasura ang kontrata ng ZTE tatlong linggo matapos ang imbes­tigasyon ng Blue Ribbon. Nagbitiw naman si Abalos sa panunungkulan sa Co­melec. (Butch Quejada)

ALAN PETER CAYE

BLUE RIBBON

BLUE RIBBON COMMITTEE

BUTCH QUEJADA

COMELEC CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS

PANGULONG GLORIA ARROYO

RUBEN REYES

SENATE MINORITY LEADER AQUILINO PIMENTEL

SHY

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with