^

Bansa

Lacson hinamon sa BW shares

-

MANILA, Philippines - Hinamon ng Confederation of Government Employees’ Organizations (COGEO) si Sen. Panfilo Lacson na patunayang legal ang pagkakabili ng Best World (BW) shares nang hindi gumagamit ng pondo ng Philippine National Police.

Pinuna ni COGEO Chair Atty. Jesus Santos na ang 300,000 BW shares na ibinigay lamang umano kay Lacson ng may-ari ng BW na si Dante Tan ay nagka­kahalaga ng hindi bababa sa P9 milyon sa P30 bawat share nang maganap ang transak­siyon.

Kung wala umanong itinatago ang senador, walang dahilan para hindi niya mapatunayan agad na legal ang pagkakabili niya sa BW shares.  

“Si Mr. Lacson ay hepe lamang noon ng Philippine National Police, posisyon na alam nating lahat na hindi naman nagbibigay ng mil­yones sa suweldo o bene­pisyo. Saan niya kinuha ang pambili niya ng BW shares?

Lubhang kataka-taka naman, ayon kay COGEO President Flor Ibanez, na kailangan pang hintayin muna ni Lacson ang mga mangyayari pa sa im­bes­tigasyon ng Dacer-Corbito double murder case bago niya patuna­yang malinis niyang nabili ang BW shares. (Butch Quejada)

BEST WORLD

BUTCH QUEJADA

CHAIR ATTY

CONFEDERATION OF GOVERNMENT EMPLOYEES

DANTE TAN

JESUS SANTOS

LACSON

MR. LACSON

PANFILO LACSON

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with