^

Bansa

Revamp sa Senado isusulong

-

MANILA, Philippines - Nanindigan kahapon si Senate Minority leader Aquilino Pimentel na pa­ na­hon na para balasahin ang ethics committee ng Se­nado.

Ito ay matapos umano itong maglabas ng report sa reklamong inihain la­ban kay Sen. Manny Villar bago pa nagsagawa ng delibe­rasyon kaugnay nito.

Sinabi ni Pimentel sa Weekly Kapihan sa Sulo sa Quezon City na hihi­lingin niya na magkaroon ng pag­balasa sa mga miyembro ng komite sa kanilang pu­long na gaga­napin ngayon.

Naging mainit na usa­pin nang maglabas ng report ang Ethics committee ni Sen. Panfilo Lacson at pi­nasasagot si Villar sa rek­lamong inihain sa kanya. Ang report ay gi­nawa noong Martes ng gabi, bisperas ng pagdinig sa reklamo.

“They should follow the rule. It is not good that the ethics committee is unethi­cal,”ani Pimentel. “Wag naman na they disregard yung rules and they will do what ever they want to do.”

Naniniwala si Pimentel na iiral ang delicadeza sa pagdinig ng reklamo ni Villar at muling mag-i-inhibit dito si Lacson na siyang naunang nagsi­walat sa umano’y double insertion sa C-5 Road project. Hiling din niyang mag-inhibit ang iba pang pumirma sa report.

Ang report ay pinirma­han ni Lacson, Sens. Richard Gordon, Juan Mi­guel Zubiri at Gregorio Ho­nasan. (Butch Quejada)

AQUILINO PIMENTEL

BUTCH QUEJADA

GREGORIO HO

JUAN MI

LACSON

MANNY VILLAR

PANFILO LACSON

QUEZON CITY

RICHARD GORDON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with