^

Bansa

Dahil sa matinding init, lolo inatake sa puso, dedo

-

MANILA, Philippines - Dahil sa umano’y sob­rang init ng panahon kaya inatake sa puso ang isang 62-anyos na lolo sa hara­pan ng isang tindahan ka­makalawa ng hapon sa Binondo Maynila. Hinihina­lang may ilang oras nang patay bago umano madis­kubre ang biktimang si Renato Sapno, nakatira sa kanto ng Recto at Tomas Alonzo Sts., Binondo, May­nila. Base sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa harapan ng stall #753 Alonzo Man­sion sa kanto ng T. Alonzo St., at Recto Ave. Kasalukuyan umanong naglalakad ang isang alyas Eugene nang mapansin nito ang naka­bu­lagtang katawan ng lolo sa lugar. Tinangka pa uma­nong gisingin ni Eugene ang nasawi sa pag-aaka­lang natutulog lamang ito at naka­harang sa daanan, subalit laking gulat nito nang mapunang hindi na ito humihinga at nangi­ngi­tim na ang katawan.

Dahil dito, ka­agad niya itong pinagbigay-alam sa ilang opisyal ng ba­rangay na siya namang nag­bigay ng impormasyon sa pu­lisya. Ayon sa ilang saksi, naunang nakita ang bik­tima na naglalakad hang­gang sa tila hapung-hapo at umupo sa na­sa­bing lugar hanggang sa natag­pu­ang patay kaya hinihi­nalang hindi nakaya­nan ang sobrang init ng pana­hon at inatake ito sa puso. (Gemma Amargo-Garcia)


ALONZO MAN

ALONZO ST.

AYON

BINONDO MAYNILA

DAHIL

GEMMA AMARGO-GARCIA

RECTO AVE

RENATO SAPNO

SHY

TOMAS ALONZO STS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with