GMA nakiramay sa pamilya ni Ted Failon
MANILA, Philippines - Ipinabot ni Pangulong Arroyo ang pakikiramay nito sa pamilya ni ABS-CBN news anchor Ted Failon sa pagyao ng kanyang kabiyak na si Trinidad.
Sinabi ni Pangulong Arroyo sa kanyang mensahe na binasa ni Press Secretary Cerge Remonde, ramdam din nila ang pinagdaanan ni Ted Failon kagaya ng naramdaman ng mga nawalan din ng mahal sa buhay.
Hinimok din ni Sec. Remonde ang publiko na bigyan ng pagkakataon at igalang ang pamilya ng broadcaster na makapagluksa ng pribado at iwasang makadagdag sa pagdadalamhati ng pamilya ni Failon.
Pinaalalahanan din ng Malacanang ang pulisya na maging professional sa kanilang isinasagawang imbestigasyon at irespeto ang lahat ng karapatang pantao sa kanilang ginagawang imbestigasyon. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending