Kahit nag-suicide, Bangkay ni Trina puwedeng ipasok sa simbahan

MANILA, Philippines - Maaaring ipasok sa simbahan ang labi ni Trinidad Etong, misis ni ABS-CBN news anchor Ted Failon, kahit na ito ay nag-suicide.

Aminado si Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz na batay sa tradisyon noon, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng mga nag­suicide dahil ang pagpa­pakamatay ay labag sa Diyos.

Sa panayam kay Cruz, sinabi nito na ang sim­ba­han na ang  nagdede­sisyon da­ hil ang pagkitil sa sariling buhay ay gawain ng  isang tao na wala sa wisyo.

Sa kaso umano ni Etong, hindi matino ang pag-iisip nito nang isa­gawa ang pagpapaka­matay noong Miyerkules sa pamamagitan ng pag­baril sa sarili gamit ang isang 380 calibre pistol.

Kasabay nito, sinabi din ni Capiz Archbishop Onesimo Gordoncillo na hindi rin nila kinokondena ang tao na nagpaka­matay dahil ang Diyos lamang ang nakakaalam kung ano ang nilalaman ng puso ng isang tao. (Doris Franche)

Show comments