^

Bansa

RP 'uulanin' ng foreign investors - Enrile

-

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ni Senate President Juan Ponce Enrile na malapit nang matapos ang krisis sa kabuhayan dahil sa mga isinusulong ng Se­nado na programa para repormahin ang industriya ng kuryente.

Sineguro ni Enrile na seryosong tatalakayin ng Senado sa susunod na linggo ang kanyang dala­wang panukala, ang SB 3147 at SB 3148, na pare­hong naglalayon na bagu­hin ang ilang probisyon ng RA 9136 o ‘Electric Power Industry Power Reform Act (EPIRA) of 2001,’ upang matiyak ang pagbaba ng presyo ng kuryente.

“Kapag mura ang kur­yente, mas maraming fo­reign investors ang papa­sok sa bansa,” anang Senate President.

Ayon kay Enrile, ang mababang presyo ng kur­yente ay agarang magbi­bigay ginhawa sa lahat ng mga gumagamit nito at makatutulong upang ma­kalaban ang mga lokal na industriya, partikular ang ‘electronics sector’ sa pandaigdigang pamilihan.

Pinuna ni Enrile ang sobrang taas na presyo ng kuryente sa Pilipinas isa sa mga itinuturong dahilan ng mga kumpan­yang dayu­han kung bakit umiiwas silang magne­gosyo dito. Bagaman nag­hihirap o ‘third world country,’ mas mahal pa ang kur­yente sa ‘Pinas kumpara sa halaga nito sa Japan.

Ani Enrile, ang mga repormang itinutulak niya ang magtitiyak na hindi magtatagal ang krisis sa ekonomiya na dala na rin ng ‘global financial crisis’ kung saan mahigit 30,000 manggagawa na sa electronics sector ang nawalan ng trabaho sa pagpasok ng 2009.

Kasabay nito, binig­yang diin ni Enrile na wa­lang panahon ang Senado na atupagin ang ‘charter change’ o ‘Cha-cha’ na pa­ngunahin namang pinag­ka­kaabalahan sa Kongreso.

“There is no time; it (cha-cha) should be debated fully, wisely and with the full knowledge of the public,” diin pa ni Enrile.

Ani Enrile, mas pabor sa interes ng taumbayan kung mga panukalang may kinalaman sa pag­salba sa ekonomiya at pag­bibigay trabaho sa mamamayan ang pagka-abalahan ng Kongreso.

Sa ilalim naman ng kan­yang panukala, bina­tikos ni Enrile ang gobyer­nong Arroyo dahil sa sob­rang pagpapataw ng buwis sa presyo ng kuryente at kahit sa mga “ingenious sources of energy” katulad ng natural gas.

Sa pananaw ng mam­babatas, panahon na upang ilagay lang sa tat­long porsiyento ang buwis (royalty) sa natural gas. Sa kasalukuyan, P1.42/kwh na binabayaran ng taum­bayan sa presyo ng kur­yente ay napupunta lang sa gobyerno bilang buwis sa nat-gas.

Ayon pa kay Enrile, pa­nahon na rin upang alisin ng gobyerno ang sobrang buwis tulad ng income tax, EVAT at franchise tax sa mga kumpanya ng kur­yente dahil taumbayan lang umano ang nagpa­pasan nito bilang ‘pass-on charges’ ng mga nasabing kumpanya.

Sa kanyang panukala, sinabi ni Enrile na sapat na ang tatlong porsiyentong franchise tax para sa mga kumpanya ng kuryente na hindi na nila kailangan pang ipasa sa mama­mayan. (Butch Quejada)

ANI ENRILE

AYON

BUTCH QUEJADA

ELECTRIC POWER INDUSTRY POWER REFORM ACT

ENRILE

KONGRESO

LSQUO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with