^

Bansa

'Si Ping ang dapat magsisi'

-

MANILA, Philippines - Ibinato pabalik ng Confederation of Government Employees Organization (COGEO) kay Sen. Panfilo Lacson ang panghihikayat kay Pangulong Gloria Arroyo na dapat itong magsisi noong Mahal na Araw.

Una ng sinabi ni Lacson kay Arroyo na dapat itong magsisi at mangilin sa panahon ng Mahal na Araw.

Ayon kay COGEO chairman, Atty. Jesus Santos , si Lacson ang dapat na magsisi dahil tila hindi ito nangilin at kahit pa mahal na araw ay patuloy ang ginagawa nitong pamumulitika.

“Si. Sen. Lacson ang dapat magsisi at magtika dahil sa ilang taon na siyang senador ay wala pa siyang nagagawang kabutihan para sa Sambayanang Pilipino,” sabi ni Santos.

Idinagdag pa nito na tila walang nagawang anumang proyekto si Lacson na pinakinabangan ng taumbayan mula ng ito ay maging Senador. Kinondena din ni Santos ang pagiging pipi ni Lacson dahil hindi nito nabitbit pauwi ng bansa ang dating tauhan na si dating Sr. Supt. Cesar Mancao upang mapatunayan din na wala siyang kinalaman sa nasabing krimen. (Butch Quejada)

ARAW

BUTCH QUEJADA

CESAR MANCAO

CONFEDERATION OF GOVERNMENT EMPLOYEES ORGANIZATION

JESUS SANTOS

LACSON

PANFILO LACSON

PANGULONG GLORIA ARROYO

SAMBAYANANG PILIPINO

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with