Ibrado sunod na AFP Chief

MANILA, Philippines - Pormal nang inanun­siyo kahapon ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. na si Army Chief Lt. Gen. Victor Ibrado ang ha­halili kay outgoing AFP Chief of Staff Gen. Alexan­der Yano na magreretiro na sa darating na Hunyo 13.

Sa press briefing sa Camp Aguinaldo kahapon, kinumpirma ni Teodoro na si Ibrado ang napili ni Pa­ngulong Arroyo na pumalit kay Yano sa hanay ng mga magkakatunggaling contenders bilang ika-39 Chief of Staff ng AFP.

“The President has instructed me to announce her selection of Lt Gen. Victor Ibrado as the successor of Gen. Alexander Yano to take effect upon the retirement of Gen. Yano,“ ani Teodoro.

Si AFP-Southern Lu­zon Command Chief Lt. Gen. Delfin Bangit naman ang papalit kay Ibrado bilang susunod na Army Chief.

Una rito, lumutang ang mga espekulasyon na si Ba­ ngit na pinaka­bata sa mga contenders ang iluluk­lok sa puwesto upang isu­long ng adminis­trasyon ang uma­no’y pla­nong cha-cha o pag-aamyenda sa Saligang Batas. (Joy Cantos)

Show comments