MANILA, Philippines - Nagbitiw na sa puwesto ang mga presidente ng mga makaadministrasyong partidong Lakas-Christian Muslim Democrats at Kabalikat ng Malayang Pilipino para mabigyang-laya si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na magdesisyon sa kanilang mga plano para sa halalan sa susunod na taon.
Inihayag nina House of Representatives Speaker Prospero Nograles ng Lakas-CMD at Camarines Sur Congressman Luis Villafuerte ng Kampi ang kani-kanilang desisyon sa unang araw ng pagbalik ng Kongreso sa sesyon kahapon.
Sinabi nina Nograles at Villafuerte na sumasang-ayon sila sa pagsasanib ng Lakas at ng Kampi para matiyak ang tagumpay ng administrasyon sa halalan.