Nobyembre 27-28 opisyal nang holiday

MANILA, Philippines - Nilagdaan kahapon ni Pangulong Gloria Maca­pagal-Arroyo ang executive order na nagdedek­lara na non-working holiday sa buong bansa ang November 27-28 kaug­nay ng pagdiriwang ng Eid al-Adha.

Ginawa ni Pangulong Arroyo ang paglagda sa EO sa Fairmont Hotel sa Dubai sa harap ng mga Muslim congressmen mula sa Min­ danao na kasama ng Pa­ngulo sa kanyang Dubai trip.

Ang pagdedeklara ng holiday ng November 27-28 ay magbibigay per­miso sa mga Muslim na magtu­ngo sa Mecca sa Saudi Arabia para sa kanilang pilgrimage.

Ang Eid al-Adha ang ikalawang Islamic festival na ipinagdiriwang ng 1.6 bilyong Muslim sa buong mundo kabilang ang 10 milyong Filipino Muslims. (Rudy Andal)

Show comments