^

Bansa

Mga naninira sa P10-B North Harbor project kakasuhan

-

MANILA, Philippines - Pinag-aaralan ang pag­sasampa ng kauku­lang kaso laban sa mga nagla­ labas ng binayarang anun­siyo na naninira sa P10 bilyong proyekto sa moder­nisasyon ng North Harbor.

Ito ang inihayag kaha­pon ng North Harbour Center para umano’y matigil na ang mga mali at mapan­linlang na mga anunsiyo laban sa proyekto na inilalabas ng ilang grupo.

Isa umanong “economic stimulus package” ang inihahandang pondo ng Metro Pacific at Harbour Center Port Terminal (HCPT) upang muling “buhayin” ang namamatay na masiglang kalakalan sa loob ng North Harbor.

Sinabi ng tagapagsalita ng North Harbour Center na si Tricia Sandejas na may sapat na pondo at kakayahan ang kanilang grupo upang gumastos ng bilyong-bilyong piso at maipatupad ang prayori­dad ng Philippine Ports Authority (PPA), na gawing moderno at ligtas ang North Harbor sa mga tumatangkilik nito.

Binigyang diin ni San­dejas na tsismis at intriga lang ang mga luma­bas na anunsiyo sa ilang paha­yagan na “umatras” na sa kanilang partnership ang Metro Pacific, may-ari ng kumpanyang PLDT at ngayon ay ng Manila Electric Company (Meralco).

Ang HCPT-Metro Pacific ang tanging grupo ng bidders na nakapasa sa pre-qualification at bidding requirements ng PPA matapos hindi makapag-submit ng kanilang kum­pletong dokumentasyon para sa proyekto ang kalaban nilang Asian Terminal Inc. (ATI) at ang Palawan Group.

“Dahil walang basehan ang mga intriga, dapat ituloy ng PPA ang bidding at suriin ang bid ng joint venture batay sa mga regu­lasyon ng PPA at merito ng mga panukala,” dagdag pa ni Sandejas.

Sa ilalim ng Terms of Reference (TOR) ng PPA para sa North Harbor, hahatiin sa dalawang ba­hagdan (phases) ang pro­yekto, kung saan obli­gasyon ng nanalong bidder na tapusin ang mga ma­ hahalagang pagba­bago sa pier sa unang anim na taon nito. (Butch Quejada)

vuukle comment

ASIAN TERMINAL INC

BUTCH QUEJADA

HARBOUR CENTER PORT TERMINAL

MANILA ELECTRIC COMPANY

METRO PACIFIC

NORTH HARBOR

NORTH HARBOUR CENTER

PALAWAN GROUP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with