Arbor Day bubuhayin

Dahil umaabot na sa 66 porsiyento ng kaguba-tan sa Pilipinas ang nasira sa nakalipas ng 50 taon, nais ni Senador Antonio Trillanes IV na buhayin sa Pilipinas ang Arbor Day kung saan maglalaan ng panahon ang bawat barangay para magtanim ng punong-kahoy.

Sa kanyang Senate Bill 3017 na inihain ni Trilla­nes, sinabi nito na, 135 taon na ang nakakaraan kung kailan ginanap ang kauna-unang Arbor Day, umabot sa isang milyong puno ang naitanim sa State of Nebraska.

Ang unang Arbor Day ay pinauso ng American journalist na si J. Sterling Morton.

Sinabi pa ni Trillanes na mahalagang mapanga­lagaan ang kalikasan at mapalitan ang mga punong-kahoy na pinutol na. (Malou Escudero)

Show comments