^

Bansa

Militar palapit na sa kuta ng kidnapper ng ICRC staff

-

MANILA, Philippines - Papalapit na nang pa­lapit ang tropa ng militar na nagkokordon sa pi­nag­tataguan ng mga ban­­ didong Abu Sayyaf na bumibihag sa dalawa pang miyembro ng International Committee of the Red Cross sa Sulu.

Ito ang inihayag kaha­pon ni Sulu Governor Ab­dusakur Tan, pinuno ng ICRC Crisis Management Committee.

Una nang sinabi ni Tan na inaasahang ma­pa­palaya na sa loob ng linggong ito o sa susunod na mga araw ang mga bihag.

Kaugnay naman ng sinasabing paghingi ng $5 milyong ransom ng grupo ni Abu Sayyaf Com­man­der Albader Pa­rad kapalit ng kalayaan nina Swiss national An­dreas Notter at Italian national Eugenio Vagni, sinabi ni Tan na wala sa patakaran ng gobyerno ang magbayad ng ransom .

Ang tropa ng pama­ha­laan sa Sulu ay bina­walan munang magba­kasyon ng Joint Task Force Co­met ngayong Semana Santa sa layu­ning mata­pos muna ang problema sa Sulu hostage crisis .

Ayon kay Tan ang pa­tu­loy na paglapit ng tropa ng militar sa kuta ng mga kidnappers ay naglala­yong palakasin pa ang ‘military pressure’ upang pakawalan na ng mga ito sina Notter at Vagni. (Joy Cantos)


ABU SAYYAF

ABU SAYYAF COM

ALBADER PA

CRISIS MANAGEMENT COMMITTEE

EUGENIO VAGNI

INTERNATIONAL COMMITTEE OF THE RED CROSS

JOINT TASK FORCE CO

JOY CANTOS

NOTTER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with