^

Bansa

550 estudyante sa Caloocan bibigyan ng trabaho

-

MANILA, Philippines - Ibinalita kahapon ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri na matagumpay na mabi­bigyan ng trabaho ng Public Employment and Services Office (PESO) ang may 550 estudyante ng lungsod sa Summer Program for the Employment of Students o SPES nito.

Ayon kay Echiverri, ka­ ramihan sa mga estud­yanteng ito ay kabilang sa mga pinakamahihirap o mga anak ng mga na­tanggal sa trabaho bunsod ng umiiral na krisis pinan­siyal.

Sinabi pa ng alkalde na ang naturang programa ay bahagi ng serbisyo ng pamahalaang lungsod upang mabigyan ng ha­nap­buhay ang mga ma­hihirap na pamilya sa Caloocan.

Siniguro rin niya na ang mga na-hire na estudyante ay tatanggap ng minimum wage at magtatrabaho sa loob ng 20 working days.

Ang summer employment program, na tumang­gap ng mga estudyante edad 15 hanggang 25, ay tatakbo mula Mayo 4 hanggang 29.

Una rito, tiniyak ng Labor and Industrial Relations Office (LIRO) na mas mabibigyang prayoridad ng programa ang mga mahihirap na estudyante mula sa dalawang distrito ng siyudad.

Ayon naman kay LIRO chief Dante Esteban, nauna nang iniutos ng alkalde na mas piliin ang mga mahihirap na mag-aaral upang mabigyan sila ng pagkakataong kumita ng pera sa panahon ng kanilang summer break.

AYON

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

DANTE ESTEBAN

ECHIVERRI

EMPLOYMENT OF STUDENTS

LABOR AND INDUSTRIAL RELATIONS OFFICE

PUBLIC EMPLOYMENT AND SERVICES OFFICE

SHY

SUMMER PROGRAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with