^

Bansa

P20-milyong nawawalang kargamento natunton

-

MANILA, Philippines - Matapos ang halos tatlong buwang pagma­manman, natunton ng mga operatiba ng Bureau of Customs ang nawawalang P20 milyong halaga ng kargamento ng Zuellig Pharma sa isang bodega sa Quezon City.

Sa ulat, umabot sa 61 kahon ng Pantoloc, 40 mg. na gamot sa ulcer, ang narekober ng mga tauhan ni Customs Intelligence and Enforcement Group Director Gen. Nestorio Gulaberto sa pangunguna ni Customs Police Division chief, Deputy Director, C/Supt. Joey Yuchongco.

Ang kargamento ay lumapag sa NAIA noong Enero 26 ngunit hindi nakarating sa tanggapan ng Zuellig Pharma. Natunton naman ng mga awtoridad mula sa Customs at Central Police District ang kinaroroonan ng kargamento sa No. 5, Banawan St., Masambong, QC.

Nakatakdang ipatawag ni Gualberto ang isang “Joselito Testa” na sinabing kinatawan ng “Majestic Freight” at siyang nagpasok ng nasabing kargamento sa bansa. (Butch Quejada)

BANAWAN ST.

BUREAU OF CUSTOMS

BUTCH QUEJADA

CENTRAL POLICE DISTRICT

CUSTOMS INTELLIGENCE AND ENFORCEMENT GROUP DIRECTOR GEN

CUSTOMS POLICE DIVISION

DEPUTY DIRECTOR

JOEY YUCHONGCO

JOSELITO TESTA

MAJESTIC FREIGHT

ZUELLIG PHARMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with