^

Bansa

BI official inabsuwelto sa pagtakas ng Vietnamese terrorist

-

Inabsuwelto ng Department of Justice (DOJ) sa ka­ song administratibo si Immigration Associate Commissioner Teodoro Delarmente sa pagtakas ng hinihinalang teroristang si Vo Van Duc, isang Vietna­mese noong 2005.

Sa 14-pahinang reso­lus­yon ng panel na pina­munuan ni Assistant Chief State Prosecutor Richard Anthony Fadullon, napatu­nayang si Immigration confidential agent Marcelino Francis Agana ang respon­sable sa pagtakas ng nasabing dayuhan.

Sa rekomendasyon, dapat na masibak sa tung­kulin si Agana kaugnay sa gross misconduct, conduct prejudicial to the best  interest of the service and gross neglect of duty dahil sa sariling desisyon nito na su­munod sa isang babaeng colonel sa halip na sundin ang kanyang nakatataas na opisyal sa BI.

Sa imbestigasyon, ina­tasan si Agana ni P/Insp. Noel Espinoza upang es­kortan at higpitan ang pag­babantay kay Vo Van Duc sa pagpapasuri sa San Juan de Dios Hospital.

Subalit nabatid na ma­tapos ang pagpapasuri sa pagamutan pumayag pa umano si Agana na dalhin ang dayuhan sa Cherry Blossoms hotel sa Ermita, Maynila at doon nanatili sa halip na ibalik sa BI Bicutan jail.

Natukoy ng panel na sinunod umano ni Agana ang utos ni P/Supt. Wendy Rosario, hepe ng Civil Security Unit (CSU) na i-turn over si Vo Van Duc kay Joselito Pagaduan, dating BI confidential agent, sa kabila ng mahigpit na utos ni Insp. Espinoza na banta­yan niya at eskortan ito.

Nadiskubre pa na hindi naman lumagda si Paga­duan sa turn-over document na magpapatunay na nasa kaniya ang kustodiya.

“All told, we find that Vo Van Duc was deported under highly questionable circumstances and that P/Supt. Wendy Rosario and P/Insp. Noel Espinoza were clearly responsible for the same,” ayon sa resolusyon ng panel.

Bukod kay Delarmente, pinawalang-sala rin sina Atty. Benjamin Kalaw, hepe ng BI Law Investigation Division (LID) at Dr. Elsie Lobrin, BI medical officer matapos matukoy na wala silang kinalaman sa pagta­ kas ng dayuhan. (Ludy Bermudo)

AGANA

ASSISTANT CHIEF STATE PROSECUTOR RICHARD ANTHONY FADULLON

BENJAMIN KALAW

CHERRY BLOSSOMS

CIVIL SECURITY UNIT

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIOS HOSPITAL

NOEL ESPINOZA

SHY

VO VAN DUC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with