Kulto kalat sa buong mundo

MANILA, Philippines - Kinumpirma ni Capiz Archbishop Onesimo Gor­doncillo na totoo ang pag­kakaroon ng kulto subalit hindi lamang ito sa lalawi­gan ng Capiz kundi ma­ging sa ibang bansa.

Ayon kay Gordoncillo, ang kulto ay bahagi ni Satanas na nais na lituhin at baguhin ang pananam­palataya at paniniwala sa Diyos ng mga Kristiyano.

Dito aniya, nasusubu­kan ang katatagan ng pa­niniwala ng isang tao dahil aabot sa puntong titimba­ngin ang kanyang pana­nalig sa Panginoon.

Ipinaliwanag ni Gor­don­cillo na ang mga kulto ay paghahandog kay Sa­tanas na kadalasang ki­nabibilangan ng hayop at tao.

“Meron din sa America na they are offering human beings. Meron daw nang­ya­ yari sa America even sa Europe, even for me, sa Philippines meron din mga Sata­nist na on the side of darkness and evil and they are also organized,” ani Gordon­cillo.

Kadalasan ding isina­gawa ng mga kulto ang kanilang ritwal sa ilog, gusali at chapel kung saan mayroon ding nagsisilbing high priest.

Samantala, itinanggi naman ni Gordoncillo na ang lalawigan ng Capiz ay lugar ng mga aswang. Aniya, 20 taon na siyang naninilbihan sa lalawigan subalit hindi pa siya naka­kakita ng aswang na tulad ng sinasabi ng iba.

Dahil dito, pinapayu­han ng simbahan ang pub­liko na huwag maniwala sa mga sabi-sabi at dapat na palakasin pa ang kanilang pananalig. (Doris Franche)

Show comments