^

Bansa

Zero accident target

-

MANILA, Philippines - Target ng Department of Transportation and Com­ munication (DOTC) sa kanilang Oplan Sema­na Santa ang “zero accident” kasabay ng pana­hon ng paglalakbay ng mga moto­rista ngayong Holy Week.

Sinabi ni Jaime Legas­pi, head ng DOTC Oplan Semana Santa na naka­handa na ang may 2,000 personnel ng DOTC nationwide para umasiste at magbigay proteksiyon sa mga motorista at pasa­hero sa lahat ng daungan at pa­lipa­ran sa bansa.

Nagtayo na rin ng mga public assistance center ang DOTC para magka­loob ng tulong sa mga pa­sahero sa pagtawag at pagrereklamo.

Kasabay nito, sinabi naman ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Alberto Suansing na may 400 provincial at Metro buses ang binigyan niya ng special permit para bumi­yahe sa mga lala­wigan ngayong Holy Week.

Ayon naman kay Betty Jose, head ng Media Com­munication ng Toll Way Management Corp., naka­titiyak umano sila na magi­ging maayos ang paglalak­bay ng mga moto­rista pa­punta sa Norte dahil na­ihanda na nila ang North Luzon Expressway.

Gayunman, bagama’t hindi natapos ng Malaysian contractor ang construction ng mga kalsada sa South Luzon Expressway. tiniyak naman ni Ma­nuel Antonio, vice president ng Toll Way SLEX na maasistihan ang mga mo­torista sa kanilang pag­lalakbay. (Doris Franche)

BETTY JOSE

CHAIRMAN ALBERTO SUANSING

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COM

DORIS FRANCHE

HOLY WEEK

JAIME LEGAS

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

MEDIA COM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with