Brad Pitt at Angelina Jolie pupuntang Boracay?

MANILA, Philippines - Nakatakda umanong magpunta sa pamo­song Boracay island sa bansa ang sikat na Hollywood couple na sina Brad Pitt at Angelina Jolie para dito mag-Holy Week.

Ayon sa nakuhang report ng ABS-CBN, isang private plane ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa di nabanggit na petsa kung saan ang mga sakay umano nito ay nagpa-book sa isang five-star hotel sa Boracay.

Isa umanong Joy Wassmer na ginamit daw na alyas ni Jolie ang nagpa-reserve ng isang suite room for a week stay.

Sinasabing ang Hollywood celebrities ay inimbitahan para pasinayaan ang soft-opening ng isa sa mga spa resort hotel ng Shangri-la.

Itinanggi naman ng Shangri-la Hotel ang report at wala umano silang guests na Brad Pitt at Angelina Jolie.

Ayon naman sa source ng ABS-CBN, isang representative nina Brangelina (tawag sa mag-asawa) ang nagpa-book ng isang suite room subalit hindi naman kumpirmado kung ang mag-asawa nga ang gagamit nito.

Show comments