3 Pinoy Inaresto sa India

MANILA, Philippines - Tatlong Pinoy ang ina­resto umano sa India ma­tapos na tangkaing mag­puslit ng may $56,521 o halos P3 milyon.

Sa ulat na nakarating sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang tatlo na di pa pinangalanan ay hinuli ng mga opisyal ng Directorate of Revenue Intelligence sa Chennai International Airport sa India noong Lunes.

Patungo sana ang tatlo sa Maynila via Kuala Lumpur, Malaysia nang madiskubre ng mga awto­ridad mula sa hand baggage ng dalawa sa mga Pinoy ang may $25,526 na itinago sa pamamagitan ng carbon at pencil carton sheets. Ang hand baggage naman umano ng ikatlong pasahero ay naglalaman ng $30,725.

Sinasabing umamin ang tatlo sa pagpupuslit ng mga foreign currencies. (Mer Layson)

Show comments