^

Bansa

RP ginawang 'bahay-aliwan' ng Balikatan

-

MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan ang paglala ng prostitusyon partikular sa Legazpi City kung saan isinasagawa ang Bali­katan exercises.

Ikinabahala ni Pangi­linan ang sumbong sa kanya ng ilang “concerned” na mamamayan ng lalawigan na tumaas ang insidente ng prosti­tusyon sa Legazpi City simula nang dumating ang mga tropang Ameri­kano.

Ayon umano sa ilang mapagkakatiwalaang source, halos gabi-gabi ay dalawang batch ng mga kababaihan na uma­abot sa 8-10 ang iniha­hatid sa kampo ng mga sundalong Kano.

“Basta may dalang sampung mga babae ang mga bugaw, ubos lahat. Tapos magdadala ulit ng isang batch ng sampu, kuha rin kaagad lahat yun,” sabi ng source.

Malimit din umanong makita ang mga US servicemen sa mga hotel at bars kasama ang ilang kabataang babae.

Ayon kay Pangili­nan, dapat imbesti­gahan ang nasabing insidente dahil maliwa­nag na ginaga­wang ‘bahay aliwan’ ng mga US servicemen ang Pili­pinas. (Malou Escudero)

vuukle comment

AMERI

AYON

IKINABAHALA

KANO

KIKO

LEGAZPI CITY

MALOU ESCUDERO

SENATOR FRANCIS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with