^

Bansa

Lamang ni Noli, 1 puntos na lang

-

MANILA, Philippines - Isang puntos na lang ang naghihiwalay kina Vice President Manuel “Noli” de Castro Jr. at dating­ Senate President Manny Villar sa gitgitan ng rating­ ng mga itinuturing na “presidentiables” batay sa pinaka­bagong survey ng Social Weather Station.

Mula sa dating 31 percent na rating ni De Castro noong Disyembre 2008, bumagsak ang rating ng Bise Presidente sa 27 percent nitong Pebrero 2009.

Nakakuha naman si Villar ng 26% ngayong Peb­rero. Kung pagbabatayan ang margin of error ng survey na three percent, lilitaw na halos pantay na lamang sila ni Villar.

Kaagad na sumunod ang pinagpipiliang pam­bato ni business tycoon Eduardo “Danding” Co­juangco na sina Sens. Loren Legarda (25%) at Francis Escudero (23%).

Nalagasan ng tatlong puntos si Legarda (dating 28%) at mistulang nalipat naman sa kapartido niya sa Nationalist People’s Coalition na si Escudero na nadagdagan ng apat na puntos.

Malayong pang-lima na si Sen Manuel Roxas II (15%) at kasunod sina Sen Panfilo Lacson (14 %) at dating Pangulong Joseph Estrada (13%). (Butch Quejada)


BISE PRESIDENTE

BUTCH QUEJADA

CASTRO JR.

DE CASTRO

FRANCIS ESCUDERO

LOREN LEGARDA

NATIONALIST PEOPLE

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

SEN MANUEL ROXAS

SEN PANFILO LACSON

SENATE PRESIDENT MANNY VILLAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with