MANILA, Philippines - Nilinaw kahapon ng tanggapan ni Senate President Juan Ponce Enrile na hindi niya staff sina Alex Dacoco at Edilberto Videl na inaresto ng pulisya sa Malabon noong Linggo ng gabi dahil sa paglalaro ng tong-its.
Ayon sa isang pahayag na ipinalabas ni Yvonne Caunan, media relation officer ni Enrile, sinabi ng security officer nito na, staff man o hindi ng senador ang mga sus pek, mahigpit ang bilin sa kanila ng mambabatas na hindi nito kukunsintihin ang paggamit ng pangalan nito ninuman.
Ayon pa sa pahayag, si Vidal ay hindi kailanman naempleyo sa anumang tanggapan ni Enrile habang si Dacoco ay naempleyo sa isa sa mga kumpanya ng pamilya ng senador, anang officer.