MANILA, Philippines - Para naman maging neat at professional look ang mga driver ng mga pampasaherong sasakyan, payag na ang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na magsuot ang mga ito ng porontong, sandals na may strap at may medyas.
Sa isang press conference, sinabi ni LTFRB Chairman Alberto Suansing na ilang pasahero ang nagrereklamo na maraming driver ang naka-tsinelas at naka-sando kapag nagmamaneho.
Napatunayan din ito ni Suansing sa kanyang pagsakay sa mga pam pasaherong jeep at bus ay nakakakita siya ng driver na naka-sando at tsinelas dahil nga sa init ng panahon.
Ayon kay Suansing, bawal sa mga driver na magsuot ng sando at tsinelas. Pero dahil summer pinapayagan na ang mga ito na magsuot ng sandals na may strap pero dapat ang mga ito ay nakasuot ng medyas. Dapat din ay naka-uniform at hindi sando.
Hindi rin maaring magpahaba ng buhok ang mga ito, wika pa ni Suansing. (Angie dela Cruz)