^

Bansa

Witness sa NAIA 3 may death threat

-

MANILA, Philippines - Hihingi ng tulong sa Philippine National Police at Integrated Bar of the Philippines ang abogado ng dalawang pangunahing “testigo” ng pamahalaan sa kaso nitong pagkum­piska ng kontrobersyal na Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, mula sa  PIATCO at dating kapartner nitong Fraport, matapos silang makatang­gap ng mga pagbabanta sa kanilang buhay. 

Ang mga testigo na sina Engr. Rey Libutan, dating tauhan ng Wintrack Builders, Inc. na kapartner din ng PIATCO, at Dr. Nor­bert Loesch, dating consultant ng PIATCO na nag­mula rin sa Fraport, ay kapwa nagtatago makara­ang makatanggap ng na­ka­­gigimbal na text messages mula sa mga ‘di kila­lang senders kasunod ng kanilang pagtestigo sa ICC at ICSID.

Ayon kay Atty. Jose Bernas, abogado ng mga witness na maging siya ay muntik nang mapatay nang pumasok sa tangga­pan nito ang mga arma­dong lalaki na nagpanggap na “media­men” at tinangka umano siyang barilin nang hara­pan. Natakasan la­ mang umano niya ang tangkang pagpatay sa kanya, subalit patuloy aniya ang pagbun­tot-buntot ng mga kahina-hinalang tao.

Naniniwala si Bernas na may isang organisa­dong planong ipinatutupad upang takutin at patahi­mikin ang mga testigo at ang mga nagsampa ng kaso laban sa PIATCO, sa isyu ng NAIA 3. Posible umanong kagagawan ito ng mga taong nasasa­gasaan sa kanilang pakiki­baka para sa katotohonan at patas na pag-iral ng batas. (Ellen Fernando)

DR. NOR

ELLEN FERNANDO

FRAPORT

INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES

JOSE BERNAS

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

REY LIBUTAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with