MANILA, Philippines - Sinusuportahan ni National Liga ng mga Barangay (LnB) President Ricojudge “RJ” Echiverri ang pagkakaroon ng isang “tamper-proof” o hindi maaaring dayain na national identification (ID) system na magagamit ng mahigit 144,000 barangay sa bansa.
Ayon kay Echiverri, ang naturang identification card ay maaaring pareho o kaya’y katulad ng national ID system na unti-unting pinatutupad sa lahat ng ahensiya ng gobyerno at mga government-owned and controlled corporations.
Bagama’t mapadadali ng isang national ID system ang pagbibigay ng benepisyo at serbisyo sa mga opisyal ng barangay, binigyang-diin naman ng national LnB president na mahalaga ring tiyakin na may sapat itong seguridad at teknolohiyang hindi madadaya na gaya ng biometrics, photo identification at hindi nakukurap na database. (Butch Quejada)