^

Bansa

3 ICRC hostages iginapos na

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Ilang araw bago mag­ta­pos ang deadline na hanggang Martes (Marso 31), iginapos na ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang tatlong bihag na miyembro ng International Committee of the Red Cross (ICRC) upang ihanda kaugnay ng kanilang banta na pupu­gutan ng ulo ang isa sa mga ito kapag hindi nag-pullout ang tropa ng mi­litar sa lalawigan ng Sulu.

Sa ipinakalat na footage ng Abu Sayyaf ay mapapanood na nakaga­pos na ang tatlong bik­tima habang tinututukan ng armas ng mga mas­kara­dong lalaki kung saan iwinagayway na rin ng kanilang mga berdugo ang banderang kulay itim ng ISLAM at ang umano’y Kris na gagamitin sa pagpugot ng ulo ng isa sa mga bihag na sasam­pulan ng mga ito.

Base sa impor­mas­yon, ang tatlong bihag ay ma­higpit na binabantayan ng may 100 mga arma­dong tauhan nina Abu Sayyaf Commander Al­bader Pa­rad at Doc Abu Pula sa kagu­batan ng Indanan, Sulu.

Kasabay nito, uma­pela naman si Defense Secretary Gilberto Teo­doro Jr., sa mga kidnaper na huwag gawing mala-eksena sa pelikula ang pagpapahirap sa mga hostages.

“Buhay ang pinag-uusa­pan natin dito, this is not a simple scene in the movie, mas mabuting hu­wag nilang ituloy ang kani­lang banta,“ ani Teo­doro na sinabi pang titiya­kin ng gobyerno na ma­na­nagot sa batas ang mga bandido kapag may nang­yaring masama sa mga bihag.

Nanawagan din si Ge­neva based ICRC President Jakob Kellenberger sa mga bandido na pala­yain ng walang kapalit na anumang kondisyon ang tatlo nilang miyembro.

“I am very concerned by the threats of the kidnappers. I am asking for their safe, unconditional and immediate release,” pahayag nito sa kanilang ICRC Web site.

Ang tatlong ICRC mem­­bers na 74 araw na nga­yong bihag ay kina­bibi­langan nina Swiss national Andreas Notter, Italian Eugenio Vagni at ang Pinay Engineer na si Marie Jean Lacaba na pawang dinukot sa bayan ng Patikul, Sulu noong Enero 15.

Pullback ng tropa sa loob ng 36 oras

Dahil sa tumitinding banta ng pamumugot ng ulo, nakahanda nang mag-pullback ang tropa ng militar na nakapalibot sa kaguba­ tan ng Inda­nan, Sulu.

Ayon kay DILG Secretary Ronaldo Puno, ma­kukumpleto ang pull-back ng tropa sa loob ng 36 oras upang bigyang daan ang pagpapalaya sa isang bihag.

“I think we are more than bending over backwards in order that the kidnappers will not feel threatened,” paha­ yag ni Puno kung saan ang pag-atras ng tinatayang 600–800 sundalo, pulis at mga militiamen na nagko­kordon sa pinagtataguan sa mga hostages ay magsi­simula sa Sabado sa pag­balik ni Jolo Gov. Abdusakur Tan sa Sulu.

Kaugnay nito, tiwala naman sina Teodoro at Puno na tutuparin ng mga bandido ang kanilang pangako na palayain ang isa sa mga hostages kapag nagsiatras ang tropa ng gobyerno sa lugar.

Sina Teodoro at Puno ang pinahihintulutan ng Malacañang na magsalita sa hostage crisis pan­samantala habang nasa kritikal na level ang sitwas­ yon sa lalawigan.

vuukle comment

ABDUSAKUR TAN

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF COMMANDER AL

ABU SAYYAF GROUP

ANDREAS NOTTER

DEFENSE SECRETARY GILBERTO TEO

DOC ABU PULA

PUNO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with